1- Pagpipili: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Pagkatapos, piliin at bilugan ang titik na may tamang sagot. 1. Ano ang bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangalano panghalip? A. Lantay C. Pahambing B. Pang-uri D. Pangngalan 2. Ano ang anyo ng Pang-uri na naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip? A. Lantay B. Patulad C. Pasahol D. Paari 3. Ano ang anyo ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangalano panghalip? A. Pahambing C. Patulad B. Palamang D. Pasahol 4. Ano ano ang dalawang uri ng Pang-uri? A. Patulad , Pahambing C. Lantay, Pahambing B. Pahambing, Paari D. Patulad, Pasahol 5. Alin sa mga anyo ng pang-uri ang nagsasaad ng nakahihigit na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip? A. Patulad B. Paari C. Pasahol D. Lantay