Sagot :
Answer:
Lapu-Lapu
Si Lapu-Lapu na nakilala noong 1521 dahil sa labanan sa Mactan, ay isang Datu sa pulo ng Mactan, isang pulo sa Cebu, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Salip Pulaka, Lapulapu Dimantag, Khalifa Lapu at Caliph Pulaco, subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang Muslim na nagmula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan sa Cebu.
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapu-Lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay nito, ay ang mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magallanes. Ayon kay Magallanes, bibigyan niya ng magandang katungkulan at natatanging pagkilala si Lapu-Lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Kapuluan at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapu-Lapu. Labis na ikinagalit ni Magallanes ang pagtanggi ni Lapu-Lapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapu-Lapu, ang pumanig kay Magallanes at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magallanes, kasama ng kanyang mga kapanalig ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapu-Lapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak, sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-Lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubonng ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magallanes nang tamaan ito ng palaso sa kaliwang binti. Si Magallanes ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ng mga kawal ni Lapu-Lapu.
Hope I Help