👤

Ano ang kahalagahan ng agham at pilosopiya?

Sagot :

Answer:

Mahalaga ang agham at pilosopiya sa pamumuhay ng mga tao. Ang mga agham ang nagbigay-daan sa mga tao upang mapadali ang kanilang mga buhay. Dahil sa mga agham, nagkaroon tayo ng iba't ibang imbensyon na makakatulong sa ating pang araw araw na pamumuhay tulad nalamang ng pagkakaroon ng kuryente o mga pinagkakaaliwan tulad ng mga gadgets. Dahil rin sa mga agham, natuto tayong labanan ang mga natural na pangyayari sa mundo. Napapatagal natin ang ating pagpanaw sa pamamagitan ng mga gamot at teknolohiyang dulot ng agham. Ang agham ang nagbigay saatin ng kaalaman sa kung paano gumagana ang mundo at kalawakang ating tirahan.

Ang pilosopiya ay mahalaga rin sapagkat ito ang pag-aaral ng ating isipan. Ang pagaaral ng pilosopiya ay makakatulong saatin sa pag unawa sa mga pag-uugali ng mga tao. Ito ang nagbibigay daan upang ating maintindihan at maalagaan ang ating mental na kalusugan.

Explanation:

You're welcome

Go Training: Other Questions