Sagot :
Likas na batas moral
Answer:
Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na mayroon tayo bilang tao. Ito ay nagmumula sa kalayaan na mayroon tayo bilang nilalang ng Diyos. Ang mga batas na ito ang nagsisilbing gabay ng mga bagay na dapat at hindi natin dapat gawin. Ito ang nagsasabi sa atin kung paano dapat gumawa ng mabuti at tamang pagpapasya.
Ang likas na batas moral ay mayroong iba't ibang katangian. Nariyan ang objective - o walang kinikilingan; unibersal o pangkalahatan, eternal o walang hanggan; at constant o hindi nagbabago. Ito rin ang mga nagiging salik sa paggawa ng mga likas na batas moral para sa lahat.