93. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.