Sagot :
Answer:
Matatagpuan sa makasaysayang pook na Intramuros ang Fort Santiago. ... Leyte Landing Memorial Park
Answer:
1. Aguinaldo Shrine
Nakatayo ito sa makasaysayang pook ng Kawit, Cavite at nagsilbing tahanan ng unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Makasaysayan ang Aguinaldo Shrine dahil dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas taong 1898 tanda ng ating kasarinlan.
2.Bagumbayan
Ngayo’y tinatawag na Luneta Park, isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas ang Bagumbuyan. Dito kasi binaril ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal matapos siyang mag-aklas sa pamamagitan ng propaganda laban sa mga Espanyol.
3, Fort Santiago
Itinayo ang Fort Santiago taong 1590 at itinuturing bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Luzon. Nagsilbi itong kulungan noong panahon ng mga Kastila. Bago barilin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan, ikinulong muna siya sa Fort Santiago sa Intramuros na ngayo’y isa nang sikat na atraksiyon sa lugar dahil sa kasaysayan nito. Matatagpuan sa makasaysayang pook na Intramuros ang Fort Santiago.
4 Intramuros
Kung naghahanap kang inspirasyon para ika’y gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kasaysayan sa pagdating ng simbahang katoliko sa Pilipinas, bisitahin mo ang Maynila. Isa ang Maynila sa mga makasaysayang pook na may malagim at makasaysayang nakaraan dahil tinupok ng World War II ang maraming gusali sa siyudad. Ang Intramuros, tinaguriang “The Walled City” ang makasaysayang pook sa Luzon na talagang hinagupit ng giyera. Pero maraming bahagi nito ang napreserba kaya naman ngayo’y madalas itong pasyalan ng mga turista mapa-Pilipino o banyaga. Intramuros ang isa sa mga pandaigdig na pamanang pook.
5,Dapitan, Zamboanga del Norte
Para pigilan ang lumalakas na paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol bunsod ng propaganda ni Rizal, ipinatapon nila ang bayani sa lungsod ng Dapitan sa Zamboanga del Norte kaya hindi kataka-takang isa ang Dapitan sa mga makasaysayang lugar sa Mindanao.
Dito nagamit ni Rizal ang husay sa panggagamot, nagpatayo siya ng paaralan, ospital at tinuruan niya ang mga magsasaka sa Dapitan.
6.EDSA Shrine
Isa pa sa makasaysayang lugar sa Luzon ay ang EDSA Shrine kung saan naganap ang pag-aaklas ng mga Pilipino taong 1986 laban sa diktador na si Ferdinand Marcos para matapos na ang idineklara niyang Batas Militar (Martial Law).
7 Mactan Shrine
Itinatag bilang paggunita sa unang bayani ng Cebu na si Datu Lapu-Lapu, ang Mactan Shrine ay itinuturing na isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Dito kasi naganap ang makasaysayang Battle of Mactan kung saan natalo ni Lapu-Lapu si Ferdinand Magellan noong 1521.
Explanation: