👤

Nais ni Rowie na magkaroon ng sarili niyang laptop upang may magamit siya sa kanyang online class.
Alam niyang walang sapat na kita ang kanyang mga magulang upang maibigay ang kanyang gusto.
Anong hakbang ang maaari niyang gawin upang makabili ng sarili niyang laptop?
a. Mag-ipon ng sapat na pera hanggang sa makabuo ng pambili ng sarili niyang laptap.
b. Kumupit sa kanyang mga magulang.
c. Mangutang sa mga kamag-anak ng pambili ng laptop.
d. Magpumilit sa mga magulang na ibili siya.
2. Kaysa tumigil sa pag-aaral, ninais ni Gwen na magtrabaho pagkatapos ng kanyang klase sa araw. Ito ay
upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa pag-aaral. Tama ba nag kanyang ginawang
pasya?
a. Opo, dahil makakatulong ito sa kanyang pag-aaral.
b. Opo, dahil may kikitain siyang pera pambili ng kanyang gamit.
c. Hindi, dahil makakasira ito ng kanyang pag-aaral.
d. Hindi, dahil mahihirapan lamang siyang balansehin ang trabaho at pag-aaral.
3. Mas pinipili ni Ruel ang palagiang pagsamama sa kanyang mga kamag-aral na lumiban sa klase kahit na
ang alam ng kanyang pamilya ay nasa paaralan ito. Ano ang maaring maging bunga ng kanyang pasya?
a. Magiging masaya siya kasama ang mga kaibigan.
b. Hindi siya makakatuntong sa susunod na antas ng kanyang pag-aaral
C. Magkakaroon siya maraming kaibigan
d. Uunawain siya ng kanyang mga magulang.
4. Alin sa mga sumusunod ang sa tingin mo na HINDI tamang hakbang sa pagpapasya.
a. Pag-aralan lahat ng posibleng solusyon.
b. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon.
c. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon.
d. Magdesisyon nang hindi iniisip ang magiging bunga ng kilos at pasya.
5. Gutom ka ngunit mayroon ka lamang sampung piso sa iyong bulsa. Ibinili mo ito ng sitsirya at kendi kaya't
hindi ka nabusog. Anong hakbang ng pagpapasya ang hindi mo naipamalas?
a. Pag-alam ng suliranin.
b. Pag-aaral ng mga posibleng solusyon.
c. Pagsasaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat pasya.
d. Pag-tukoy ng personal at pangpamilyang pagpapahalaga ng bawat desisyong gagawin.
6. Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang Tatay ni Angelo. Dahil dito, dama niya ang paghihirap na
dinaranas ng kanyang pamilya kaya't nais niyang makatulong dito. Alin sa mga sumusunod desisyong
maaaring gawin ni Angelo?
a. Tumigil sa pag-aaral at mag-hanap ng trabaho para makatulong sa pamilya.
b. Humanap ng mapagkakakitaan na hindi nakaka-apekto sa oras ng pag-aaral.
c. Umalis ng bahay upang may mapatunayan sa pamilya.
d. Ipagpawalang bahala ang dinaranas ng pamilya.
7. Niyaya ka ng iyong kaibigan na mamalagi sa bahay ng inyong kaklase ng isang gabi upang gumawa ng
inyong proyekto sa isang asignatura ngunit hindi ka pinayagan ng iyong mga magulang kahit gustung-gusto
mong sumama. Ano ang iyong pipiliing gawin?
a. Tatakas upang makasama sa mga kaklase.
b. Magsisisnungaling at gagawa ng ibang dahilan.
c. Hindi sasama at susundin na ang mga magulang.
d. Magdadabog at magpupumilit sa harap ng mga magulang upang payagan.
8. Limang taon ng OFW si Marissa sa Canada. Kita sa kanya ang hirap at pangungulila sa kanyang dalawang
anak na nasa elementaya pa lamang. Ano ang maaaring gawing pasya ni Marissa bilang isang OFW?
a. Huwag nang umuwi at habang buhay ng magtrabaho sa ibang bansa.​