👤

Ano ang dahilan ng pag-alsa Ni Dagohoy sa taong 1774​

Sagot :

Answer:

Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o si Francisco Sendrijas sa totoong buhay, ang may pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Gaspar Morales na bigyan ng Kristyanong libing ang kanyang kapatid na namatay. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mamamayan ng Bohol na bumangon at lumaban sa mga Espanyol. Namundok sila at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan.

Ang panglang dagohoy ay mula sa dalawang salitang bisaya na "dagon" na sa tagalog ay agimat, at "hoyohoy" na sa tagalog naman ay hangin. Dahil sa Agimat na ito, kaya niyang tumawid ng isang bundok, at tumawid sa tubig ng di nababasa, kaya din niyang makakita sa madidilim na yungib at kaya din niyang mawala ayon sa kanyang kagustuhan.