Isulat any Tama kung ito ay nagsasaad ng paggalang sa opinyon at Mali naman kung hindi. 1. Habang nagbibigay ng opinyon ang kamag-aral ni Mark, siya ay tahimik na nakikinig. 2. Kapag hindi nagugustuhan ni Francis ang opinyon ng kaklase ay sinisigawan niya ito. 3. Ipinagpatuloy pa rin ni Marga ang kanyang sariling gusto kahit hindi sang-ayon ang iba niyang kasama sa grupo. 4. Malugod na tinatanggap ni Axel ang opinyon ng kanyang kaibigan batay sa ginawa niyang pagkakamali. 5. Bilang isang lider ng grupo, hinihikayat ni Agustin na magbigay ng sariling saloobin o opinyon ang kanyang mga kasamahan sa grupo batay sa gagawing proyekto.