👤

limang dahilan kung bakit ang pag ibig ay isang destraksyon?​

Sagot :

Answer:

PAG-IBIG: INSPIRASYON O DISTRAKSYON?

Mapapansin natin na sa henerasyon ngayon ay karamihan sa mga estudyante sa hayskul ang mayroon ng kasintahan sa murang edad pa lamang. Minsan nga napapasabi nalang ako ng "Dinaig pa ako ng grade 7, sila may lovelife ako, wala.” Pero bakit nga kaya ganito? Ano nga ba ang pakikipagrelasyon? Para sa akin,ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali,hindi hinahanap at hindi biro. Kusa itong darating sa tamang panahon. Ngunit bakit nga ba sa panahon ngayon uso ang pakikipagrelasyon ng maaga? Isa ng dahilan dito ang problema. Problema sa pamilya. Nagrerebelde sila at isa ang pakikipagrelasyon doon. Pangalawang dahilan ang pakikiuso. Nakikiuso sila mapa-social media, mapa-salita, at sa mga bagay-bagay. Maari ring nakikita nila sa mga kaklase at kaibigan kaya naiingit sila at gusto ring maranasan kung pano magmahal. Pero dahil sa pakikipagrelasyon ng maaga ay hindi na nila naiisip ang mga magiging epekto nito. Minsan pag masyado ng nalulong ang isang kabataan ay napapabayaan na nito ang kaniyang pag-aaral maging ang kaniyang sarili. Yung imbes na ibili mo ng pagkain ang pera mo eh,ibibili mo ng pangregalo sa syota mo,kalokohan! Imbes na ipunin mo eh ipapangdate mo. Pero ang pagkakaroon ng karelasyon habang nag-aaral ay nakakabuti din. Maari mo itong maging inspirasyon sa iyong pag-aaral. Tiyak na sisipagan ka sa pag-aaral lalo na kung yung inspirasyon mo ay katabi mo lang. Dahil hindi naman sa lahat ng oras ang karelasyon ay nakakasama sa pag-aaral,sila din ang nagbibigay ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante para galingan sa kanilang pag-aaral.

Pero para sakin, ang pinaka dakila sa lahat ng pagmamahal ay ang pagmamahal ng ating mga magulang. Ito ang pag-ibig na nagsisimula sa tahanan. Pagmamahal at pag-aruga na walang kondisyon at hangganan. Para sa akin ang pagmamahal nila mama at papa ang pinaka maganda kong biyaya na natanggap mula sa ating Panginoon. ‘YUN LAMANG PO AT MARAMING SALAMAT.

Explanation:

sorry mahaba pero hope it help po