Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa sanhi o bunga. 1. May mga kaisipang makabayan na nakapaloob sa kanyang mga isinulat. 2. Naakusahan siyang mapaghimagsik at bilang parusa, napagpasyahang ipatapon siya sa Dapitan, Zamboangga. 3. Naging bantog ang kahusayan sa panggagamot si Dr. Jose Rizal. 4. Dinayo siya sa Dapitan ng mga maysakit buhat sa iba't ibang dako ng bansa. 5. Nagtatag siya ng kooperatiba. 6. Nais niyang mapangalagaan ang mga nagtatanim ng abaka laban sa mapagsamantalang Tsino. 7. Nagtayo siya ng Sistema ng ilaw at tubig. 8. Nais niyang magliwanag naman ang Dapitan kung gabi at magkaroon ng malinis na tubig ang mga mamamayan. 9. Karapat-dapat siyang tanghaling pambansang bayani. 10. Ipinakita niya ang iba't ibang paraan ng paglilingkod sa kapwa.