Sagot :
Answer:
Ang mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay binubuo ng mga sagisag na kumakatawan sa mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga prinsipyo ng soberanya at pambansang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.[1] Ang ilan sa mga simbolo na ito ay ang pambansang watawat, ang Great Seal, ang Sagisag ng Republika ng Pilipinas at pambansang salawikain na nakasaad sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, na kilala rin bilang Batas Republika 8491.[1] Sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang wikang Filipino ay nakasaad bilang pambansang wika ng Pilipinas.[2] Bukod sa mga nakasaad na mga simbolo sa Saligang Batas at sa Batas Republika 8491, mayroon lamang anim na opisyal na pambansang simbolo ng Pilipinas na ipinatutupad sa pamamagitan ng batas, tulad ng sampaguita bilang pambansang bulaklak, narra bilang pambansang punong kahoy, ang agila ng Pilipinas bilang pambansang ibon, Pilipinas perlas bilang pambansang hiyas, arnis bilang pambansang sining at laro at ang Filipino Sign Language bilang pambansang sign language