Sagot :
Answer:
Manuel Luis Quezon
- Si Manuel L. Quezon ay ipinanganak noong Agosto 19,1877 sa Baler, Tayabas. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas, ngunit siya ang pinaka-unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Binansagan siyang "Ama ng Filipino" at tinaguriang "Ama ng Republika ng Pilipinas" at "Ama ng kasarinlang Pilipino". Si Manuel L. Quezon ay nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas noong 1935 at umabot ang kaniyang pamumuno hanggang sa dalawang termino. (1935-1942). Siya ay namatay sa sakit na Tuberculosis noong 1944 sa bandang New York.