👤

Ano ang pagkakaiba ng Pormal na salita at Di pormal na salita

Sagot :

Answer:

Pagkakaiba ng Pormal at Di-Pormal na Salita

Pormal na Salita  

Ang pormal na salita ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika, ito ay gumagamit ng bokabularyo na mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. Ang pormal na salita ay kadalasang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal.  

Di-Pormal na Salita

Ang di-pormal na salita ay tinatawag ding impormal na mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan