Sagot :
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). Ang mga bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala. Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong palaisipan na susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na nilalamang ng isang bugtong
Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na madalas ay walang paksa o simuno. Mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi namang nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na makikita sa kapaligiran. Nawawala ang ganda at bisa ng bugtong kapag marami itong posibleng sagot. Ang bugtong ay mayroon lamang iisang tamang sagot.