Sagot :
Answer:
- Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon. Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid. Pagkakaisa ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.
- Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit. Wika, sa malamang ang nauna sa kultura at lipunan. Ang wika o pagsasalita ay kauna-unahang gawi ng isang nilalang. Wika o pagsasalita ang gamit para makipag-ugnayan ang mga tao sa kapwa nito mga tao. Sa pakikipag-ugnayan ay nabubuo ang isang kultura. At dahil naman sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nakabubuo tayo ng isang lipunan.
Explanation: