Pamumuhunan Gawain 3: Tama o Mali Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto, ang nakasalungguhit na salita, 1. Ang mga sambahayan ay ang pangunahing yunit na nagpoprodyus sa isang paikot na gawaing pang- ekonomiya 2. Isang mabuting halimbawa ng stock ay ang kita dahil ito ay nasusukat sa loob ng isang partikular na panahon 3. Ang mga yaring produkto ay mga produktong handa na sa pagkonsumo. 4. Ang pera ay nagsisilbing pambayad sa pagbili ng mga yaring produkto sa daloy, 5. Mahalaga ang mga banyagang bansa sa gawaing pang-ekonomiya dahil bumibili sila ng mga produkto sa mga pamilihang pinansiyal. 6. Ang isang indibidwal na bumibili ng isang van na magsisilbing panserbisyo sa paaralan ay halimbawa ng pagkonsumo 7. Ang mga impok ay tumutukoy sa kita na hindi ginagastos. 8. Kapag ang mga tao ay nagdedeposito ng kanilang pera sa bangko, hindi lamang sila nag-iimpok kundi namumuhunan din. 9. Ang pag-aangkat ay itinuturing na palabas na agos dahil ang perang ibinabayad ay lumalabas ng bansa. 10.Isa sa mga epekto ng global crisis noong 2008 ay ang pagbagsak ng malalaking institusyong pinansiyal hindi lamang sa USA kundi maging sa ibang bansa.