1.Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal.
2.Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal lamang.
3.Bawat tao ay bukod-tangi at may kakanyahan. Nararapat lamang na igalang ang kanyang pagkatao at maging sensitibo sa kanyang mga pangangailangan.
4.Ayon kay Scheler, ang mga espiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng halaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
5.May mga emosyon na nakasisiya ngunit kailangan ng tamang pamamahala at may mga emosyon ding nakapagbibigay ng sakit sa ating puso at damdamin
6.Ayon kay DR. EDUARDO MORATO (2007), may tatlong Uri ng Pamumuno
7.May tatlong uri ng Pagkakaibigan ayon kay Confucius.
8.Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensya ng isa’t isa.
9.Sa pagitan ng magkakaibigan, ang pag-aalaga ay nangangahulugang pagtulong sa kaniyang kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago.
10. Sa mas malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang ang pagkatao ng bawat indibidwal ang umuunlad kundi pati na rin ang kasanayan sa pakikipagkapwa.
11.Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
12.Sa pamamagitan ng pagkakaibigan, natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
13.Sa pamamagitan ng pagkakaibigan, nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili lamang,