Ang ritmo sa sining ay ang pinagsama-samang elemento nito sa isang piyesa na may malimit o kaunting pagkakaiba. Ito ang paulit-ulit na disenyo, kulay, hugis, tekstura at iba pa na may kaibahan na makikita sa isang obra. Kasali rin sa makikitang ritmo ng isang gawa ang mga iba’t ibang paraan na ginamit para mabuo ang nilikha tulad ng uri ng brotsang ginamit, kakapalan o kanipisan ng mga pagkulay, at iba pa.