👤

Panuto: Gumawa ng isang maikling tula tungkol sa KAHALAGAHAN NG TAO. Isulat
sa ibaba at bigyan ng sariling pamagat. Pagandahin at lagyan guhit/decorasyon sa mga
gilid.​


Sagot :

not mine

Explanation:

Ang buhay ng tao ay parang gulong

Madalas dala nitoy hilong talilong

Minsan malaya minsan nakakulong

May pagkakataong kailangan ng tulong

Sa umagang maririnig ang tilaok ng manok

Ikay babangon kahit andiyan pa ang antok

Mga bagong opportunidad sayoy kakatok

Haharapin mo na muli kayraming pagsubok

Nariyan din ang iba't ibang uri ng tao

May makakaaway , di makakasundo

Makakasalamuha at may makikilala

Magiging kaibigan siyang makakasama

Meron din namang sadyang mapanghusga

Na para bang alam ang tunay na istorya

Ngunit nandiyan pa rin ang mga mabubuti

Sa panahon ng kagipitan iyong kakampi

Sa araw araw na puno ng karanasan

Mga paghihirap ay hindi maiiwasan

Pero ang mga tao sadyang maparaan

Gagawin lahat anu mang pagdaanan

Kahit Anu pa man ang ating suungin

Lahat ng itoy dapat nating kayanin

Nang ang tagumpay ay ating kamtin

Huwag makalimot sa Diyos manalangin

Answer:

ako si carlo matalino at mabait