I. Panitikan: Tama o Mali: Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung ito ay naglalahad ng tamang impormasyon at titik M naman kung mali ang ipinahahayag nito. 1. Si Dilma Rousseff ang kauna-unahang pangulo ng Brazil. 2. Ginanap ang kanyang inagurasyon sa Kongreso ng Rio De Janiero noong 2011. 3. Ang ama ni Pangulong Rousseff ay isang Brazilian samantalang Bulgarian naman ang kanyang ina. 4. Si Manny Pacquiao ang sumulat ng sanaysay na "Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino." 5. Ang editoryal ay uri ng sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat. 6. Sa pahayagan mababasa ang editoryal at lathalain. 7. Ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. 8. Kabilang sa mga maaaring magpalawak sa pangungusap ay mga pang-abay. 9. Ang pala ay isang ingklitik. 10. Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng ng pangungusap.