I. Panuto: Isulat ang TAMA kung totoo ang sinasaad sa bawat pahayag at MALI kung hindi. 1. Ang Clef ay isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa pinakakaliwang bahagi ng staff. Ito ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng bawat tono o pitch sa staff. 2. Ang F-Clef ay isang simbolo ng musika na tinatawag ring bass clef. 3. Melodiya ay isang elemento ng Musika. 4. Ang staff ay isa sa pinakapangunahing simbolo ng musika na kailangan muna nating matutunan. Ito ay binubuo ng limang guhit na pahalang. Sa pagitan ng mga guhit ay may puwang o space. Toma 5. Ang bawat guhit at puwang sa staff ay may akmang pangalan na hango sa unang pitong titk ng ating alpabeto. (A, B, C, D, E, F, G). Ang mga titik na ito ay tinutukoy na pitch names. 6. Ang simbolong flat b ь ay nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na nota. 7. Ang simbolong sharp naman ay nagpapataas ng kalahating tono ng isang natural na nota. 8. Ang C Major Scale ay nagsisimula sa mababang do at nagtatapos sa mataas na do. Binubuo ito ng mga so-fa silabang do-re-mi-fa-so-la-ti-do. 9. Ang Melodic Range ay tumutukoy sa layo o agwat ng mga nota sa pagitan ng pinakamataas na tono at ng pinakamababang tono sa isang awitin. 10. Ang iskalang Diatonic ay binubuo ng buo at kalahating tono.