Sagot :
Answer:
Ang Mga Krusada ay isang sunod sunod ng digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 1096–1273, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain" mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenosupang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks sa Anatolia.
Ang layunin ng mga krusada ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa ng mga hukbo ng mga Kristiyano at Muslim ay nag-iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano. Nabigo rin ang mga Kristiyanong nagkrusada na magtatag ng mga permanenteng Kahariang Kristiyano sa Herusalem.
Explanation: