👤

kahulugan ng "hashnu/tao"​

Sagot :

Answer:

Ang tao ang bumubuo sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng  tao. Ang tao ang naghahalal ng mga namumuno sa lipunan. Sa madaling salita, ang tao ang pinakamakapangyarihan sa lipunan sapagkat sa kanila nanggagaling ang pagpapasya kung sino ang nararapat na mamuno sa lipunan at gumamit ng kaban ng bayan.  

Narito ang ilan pang kahulugan ng tao ayon sa iba’t ibang disiplina:

Sa teolohiya, ang tao ang pinakamagandang nilalang ng Diyos. Pinakamaganda sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at may kakayahang maging Diyos ayon sa banal na kasulatan. Ang tao ay may maka – Diyos na katangian na kailangan niyang panatilihin at pagyamanin. Kaya naman ang mga tao ay itinuturing na mga anak ng Diyos sapagkat namana nila ang katangian ng Diyos lalo na ang pag – ibig at kabutihan. Ang lahat ng tao ay mapagmahal at may naitatagong kabutihan. Hindi natin kayang tiisin ang sinuman na nangangailangan lalo pa nga at nakikita natin na meron tayong kakayahang tumulong sa iba.

Sa pilosopiya, ayon kay Aristotle ang tao ay isang matalinong uri ng hayop. Samantalang si Plato at ang mga taong nabuhay sa Medyebal ay naniniwala na ang tao ay isang malaking tipak ng laman na may kaluluwa na naghahangad ng higit sa likas na kaligtasan. Dinagdag ni Shakespeare na ang tao ay hangal na mortal na nadadaig ng mga kalunos – lunos na bahid. Sa kabuuan, inilarawan ng pilosopiya ang tao bilang buhay na nilalang na may mga likas na katangian at pagkakakilanlan. Ang layunin ng nilalang na ito ay ang mabuhay at ang gumawa ng paraan upang mabuhay ay likas na katangian ng tao.

Sa biyolohiya, ang tao ay itinuturing na isang nilalang na may dalawang paa na kabilang sa pangkat ng mga mamalya. Sila ay may mataas na antas na pag – iisip na kayang umuna na mga rason, wika, at siyasatin ang sarili. Ang tao ay nagsimula sa isang selula na tinatawag na “zygote”. Ang mga ito ay dumami at nagkaroon ng tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay naging mga balat at ugat. Ang ikalawang pangkat naman ay naging mga tutop ng sistema ng panunaw samantalang ang ikatlong pangkat ay ang mga organo ng katawan.

Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng tao, basahin ang mga sumusunod na links:

brainly.ph/question/1485961

brainly.ph/question/597769

brainly.ph/question/1483392

Explanation: