Sagot :
Answer:
g98 9/22 p. 18-20
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Paano Ko Maitutuon ang Aking Isip sa mga Bagay-Bagay?
“Maraming taon na akong dumadalo sa mga pulong at hindi nakikinabang mula sa mga ito. Basta na lamang lumilipad ang aking isip.”—Matthew.
NARANASAN mo na bang maupo sa isang silid-aralan o sa isang Kristiyanong pagpupulong at pagkatapos ay bigla mong natanto na wala ka palang anumang ideya kung ano ang pinag-uusapan? Buweno, kung ang iyong isip ay may hilig na gumala kung minsan, hindi ka nag-iisa. Tulad ng ipinakita ng isang naunang artikulo, ang maiikling oras ng pagtutuon ng pansin ay pangkaraniwan sa mga kabataan.* Gayunman, sa pamamagitan ng kaunting pagsisikap at ilang pagbabago sa iyong saloobin, maaari mong matutuhan kung paano pasusulungin ang iyong kakayahang magtuon ng isip.