31 Basahin ang kuwento at piliin kung ano ang dapat na maging wakas nito. Kayamanan ng Kalawakan Masaya ang mga mag-aaral sa ika-6 na baitang sa pag-aaral ng isang Yunit sa Agham tungkol sa Planeta at Kalawakan. Si Ben ay nakikinig sa pagsasalita ng guro ngunit sa isang saglit, naglalakbay sa kalawakan ang kanyang kaisipan at tila nananaginip nang gising. A. Nananaginipsi Ben na naglalaro siya ng bola sa ibabaw ng planeta. B. Nananaginip si Ben na siya ay nakasakay sa isang sasakyang pangkalawakan at nililibot ang ibat ibang planeta. C. Nananaginip si Ben na siya ay pinaghehele ng kanyang guro sa isang planeta. D. Nananaginip si Ben na siya, kasama ng kanyang kaklase ay nagpipinta ng ibat ibang planeta.