10. Paano makatutulong ang intonasyon o tono sa pagbigkas ng mga salita sa pakikipag-usap mo sa iyong kapwa? a. Makatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang iyong binibigkas. b. Makatutulong ito sa pakikpagsalamuha mo sa kapwa. c. Makatutulong ito sa pag-uugnay sa mga salita na iyong binibigkas. d. Makatutulong ito sa simpleng pakikipagtalastasan. 11. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang paggamit ng hinto o antala sa pakikipag- usap sa kapwa? a. Oo, dahil madali nating maunawaan ang kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag ng nagsasalita. b. Oo, dahil walang duda na ang nagsasalita ay gumagamit ng hinto o antala. c. Hindi dahil malaya naman tayong makipagtalastasan kahit hindi gumamit ng hinto o antala, d. Hindi, dahil mas lalong maunawaan ng nagsasalita kapag walang hinto o antalang gagamitin. 12. Anong aral ang mapupulot sa pag-aaral ng ponemang suprasegmental ? a. Madaling maunawaan ang ibig ipahiwatig sa nagsasalita sa paggamit ng wastong diin at haba ng salita. b. Madaling masagot ang mga katanungan sa paggamit ng wastong intonasyon, tono at punto ng nagsasalita. c. Masusuri ang katotohanan o di katotohanan sa paggamit ng hinto o antala sa isang pahayag d. Lahat na binabanggit sa a, b, at c, ay tama. 13. Paano makatutulong sa inyong pag-aaral ang pag-aral ng ponemang suprasegmental? a Nakatutulong ang mga ito sa mabisang pagpapahayag sa mga di berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay. galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula. b. Nakatutulong ang mga ito sa pamamagitan ng patalastasan. c Nakatutulong ang mga ito sa pagbabalita ng makabuluhang balita. d. Nakatutulong ang mga ito sa pagpapaliwanag ng mga halimbawa 14. Bakit kailangang gamitin ang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pang panandang pantalakayan sa pagsusuri sa mga pangyayaring naganap sa kuwento o sa mga pahayag? a. upang makikilala ang mga pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto b. upang madaling mapagsunod-sunod ang mga pangyayaring naganap sa binasang akda c. upang mas lalong maunawaan ang mga pangyayaring naganap d. upang mabigyang-diin ang mga salita na ginagamit bilang pananda