Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat ang mga parirala sa paraang tanka at haiku, salungguhitan ang mga salita o pariralang maaaring baguhin upang tumugma sa sukat ng pantig ng tula. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pagsusuot ng face mask, Pagsunod sa physical distancing pati ang maraming bagay nalilimutan ko, ikaw na lang ang hindi. Walang mga bituin sa kalangitan, dumating ka ulan Sa wakas, ikaw ay dumalaw sa malungkot na karimlam. Atat nang lumabas ng bahay at pumunta sa ihawan, sabik na ako sa isaw; pero naghuhumiyaw: mas nais ko'y ikaw.