Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay ang pagbabayad ng buwis ng mga magsasaka at manggagawang Pilipino bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Espanyol. a. Sistemang Bandala b. Tributo c. Kalakalang Galyon 2. Ang pagpapalitan ng produkto ay sa pagitan ng Pilipinas at Mexico na ipinatupad ng mga Espanyol a. Sistemang Bandala b. Tributo c. Kalakalang Galyon 3. Ito naman ay ang sapilitang pagbili ng mga Espanyol sa ani o produkto ng mga magsasakang Pilipino noon ayon sa itinakda nilang presyo. a. Sistemang Bandala b. Tributo c. Kalakalang Galyon 4. Ang mga kalalakihang nasa edad ang siyang karaniwang nagbabayad ng tributo o buwis. a. 16-60 b. 19-60 C. 15-55 5. Ang mga sumusund ay mga naging epekto ng Kalakalang Galyon noon sa Pilipinas MALIBAN sa: a. Naging mas tiyak ang mapagkukunan ng pondo para sa pangangailangan ng kolonya b. Umunlad ang kaalaman, kultura at teknolohiya sa bansa. c. Nakinabang nang husto ang mga maliliit na magsasakang Pilipino.