👤

Ano ano ang mga Panandang Diskurso na ginagamit Bilang pangatnig o pananda sa pangungusap?

Sagot :

Ang mga panandang pandiskurso ay ang mga salita na nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso. Ang mga ito ay maaring gamitin upang maipakita ang pagbabago ng paksang pinag uusapa, pagtitiyak, pagbibigay-halibawa, opinyon at paglalahat.

Halimbawa ng Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari

1. "Pagkatapos"

2. "Nang sumunod na araw"

3. "Kinabukasan"

Halimbawa ng Panandang Naghuhudyat ng Pagkakabuo ng Diskurso

a. Pagbabagong-lahad

1. "Kung iisipin"

2. "Kung tutuusin."

3. "Sabagay"

b. Pagtitiyak

1. "Katulad ng"

c. Paghahalimbawa

1. "Halimbawa"

2. "Isang magandang halimbawa"

d. Paglalahat

1. "Sa madaling salita"

2. "Bilang pagtatapos"

3. "Bilang konklusyon"

e. Pagbibigay Polus

1. "Bigyang pansin ang"

2. "Tungkol sa"

f. Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari

1. "Una"

2. "Pagkatapos"

3. "Ang sumunod"

Panandang Naghuhudyat Ng Pananaw ng May-akda

1. "Kung ako ang tatanungin"

2. "Para saakin"

3. "Sa Aking palagay"

4. "Sa tingin ko"