👤

Punan ang talaan ng dalawang paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng paggalang sa mga magulang at may awtoridad.​



Punan Ang Talaan Ng Dalawang Paraan Ng Pagpapakita O Pagpapahayag Ng Paggalang Sa Mga Magulang At May Awtoridad class=

Sagot :

Paraan ng Pagpapakita o Pagpapahayag ng Paggalang:

Magulang:

  1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.
  2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.

Nakatatanda:

  1. Arugain at pagsilbihan nang isinasaalang - alang ang maayos na pakikipag - usap.
  2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.

May Awtoridad:

  1. Magbasa at pag - aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.
  2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

Tandaaan:

Maisasabuhay ang paggalang kung ito ay ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. Ang pagpapamalas ng paggalang ay makatatanggap din ng paggalang mula sa iba. Habang iniingatan natin ang pansariling karangalan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag - iwas sa paggawa ng masama, makararanas ng paggalang mula sa iba na kusang - loob nilang ipinagkakaloob at may kalakip na pagmamahal.

Ano ang paggalang: https://brainly.ph/question/2765256

Bakit mahalaga ang paggalang: https://brainly.ph/question/579669

#Let'sStudy