👤

Ano ang kahalagahan ng Edsa Revolution I sa kasalukuyang panahon?

Sagot :

Explanation:

IPINAGDIRIWANG natin ngayon ang tagumpay ng EDSA 1. Bagaman 16 na taon na ang nakalipas, huwag nating hayaang ibaon sa limot ang tunay na diwa ng pakikipaglaban para sa demokrasya.

Ano nga ba ang halaga ng EDSA para sa atin bilang mamamayan at bilang isang bansa? EDSA 1 man o 2, ipinakita natin sa buong mundo ang kakayahan ng mga Pilipinong magsagawa ng pagbabago sa mapayapang paraan. Ang EDSA ay simbolo ng pagkakaisa para sa iisang layunin at ito ay ang pagbabago para sa kabutihan ng sambayanan.

Dahil sa EDSA 1 natuto tayong manindigan at nawala ang takot laban sa administrasyong tumalikod sa kapakanan ng sambayanan. Naging halimbawa tayo sa buong mundo ng mapayapang pagpapalit ng administrasyon. Ang lahat ng mga ito ay mga mahahalagang aral na natutunan natin sa EDSA 1.

Sa ating kasaysayan bilang isang bansa, nawa ay manatili sa atin ang tunay na diwa ng pagkakaisa sa EDSA upang manatili tayong gising at mapagmatyag. Sana ay huwag na muli tayong magkamali sa ating pagpapasya sa pagpili ng lider upang hindi na natin kailangang magmartsa muli sa lansangan para sa isa pang EDSA. Tama lamang na ipagdiwang natin ang anibersaryo ng EDSA subalit huwag na nating asamin pa ang panibagong EDSA dahil ibig sabihin nito’y hindi natin pinahahalagahan ang ating nakalipas.