PAGSASANAY 1 Tama o Mali. Isulat ang T kung totoo ang pangungusap at M kung hindi. 1. Tumataas ang kagustuhan ng mga prodyuser na damihan ang ibinebentang produkto sa pamilihan kapag mababa ang presyo nito. 2. Kapag mataas ang presyo ng isang produkto, mas gugustuhin ng mga prodyuser na gumawa ng mas marami nito upang ibenta sa pamilihan. 3. Walang epekto ang pagtaas ng presyo ng mga hilaw na materyales sa suplay ng isang produkto. 4. Ang pagtaas ng antas ng teknolohiya ng produksiyon ay magdudulot ng pagtaas ng suplay ng isang produkto. 5. Isang indikasyon ng pagbaba ng suplay ng isang produkto ang paggalaw ng kurba ng suplay tungo sa kanan. 6. Ang isang produktong may inelastic na suplay ay hindi madaling dagdagan ang bilang kahit na tumaas ang presyo nito sa pamilihan. 7. Maituturing na elastic ang suplay ng isang produkto kapag madaling makahanap ng mga sangkap at kagamitan para sa paggawa nito. 8. Mas nagiging elastic ang suplay ng isang produkto batay sa pangmatagalang produksiyon.