Sagot :
Answer:
Artikulo XIV, Seksyon 14 – 18 ng Konstitusyon ng 1987 –
pangunahing batas na kumikilala sa kahalagahan ng pangangalaga at
pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino.
Isinasaad dito ang mga sumusunod:
Seksyon 14 – Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga,
pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang
pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing
pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kapaligirang malaya,
artistiko at intelektual na pagpapahayag
2. Batas Republika Blg. 4846 o ang Batas sa Pangangalaga at
Pagpapanatili ng mga Ari-ariang Pangkultura – ipinagbabawal ng
batas na ito ang paghahanap at paghuhukay sa mga makasaysayang
pook upang makatuklas ng mga bagay na pangkultura. Nangangailangan
ng pahintulot ng kaukulang ahensya ng pamahalaan at kailangang may
mamamahalang eksperto sakalit gawin ito.
3. Batas Republika Blg. 284 - itinatakda ang Pambansang Museo bilang
taguan ng mga bagay at ari-ariang pangkultura.
4. Atas ng Pangulo Blg. 260 at 375 – kumikilala sa ilang makasaysayang
pook at gusali bilang pambansang dambana at bantayog.
Explanation: