👤

ano ano ang mga karaniwang kinasasadlakan ng mga migranteng mamamayan​

Sagot :

Answer:

Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon. Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng manggagawa mula sa Asya patungong Middle East.  Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakakapagpadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na remittance.  Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral, at pambayad sa gastusing pangkalusugan – habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtatrabahuan.  Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay, nasasadlak sa sapilitang pagtratrabaho, at nagiging biktima ng trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang mukhang ito ng migrasyon.

Explanation: