Sagot :
Answer:Dr. Jose RizalJosé Protasio Rizal Mercado Alonso y Realonda - Hero. Exemplary. Legendary. Man of Peace. *We do not own images posted here unless otherwise
Ang Paglalakbay ni Rizal
- hindi siya nasiyahan sa kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas -sa kanyang palagay, ang kanyang propesor ng Dominiko ay galit sa kanya, may mababang tingin sa mga Pilipino at ang kanilang tinuturo ay masamaat makaluma Dahil sa mga ito, siya ay pinayuhan ning Antonio Rivera, Paciano at Saturnina na mag-aral ng medisina sa ibang bansa. MGA PINUNTAHANG BANSA: Mayo 8, 1882- Singgapor · dinalaw ang mga makasayasayang pook, ang hardin botaniko, mga templo atmga tanghalan ng sining Hunyo 15, 1882- Barcelona · hindi nasiyahan dahil siya’y sanay sa malalaki at magagandang otel at magalang na pakikitungo sa mga panauhin · sinulat niya ang “Amor Patrio” o “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” Setyembre- Madrid · Universidad Central de Madrid (Medisina, Pilosopiya at Panitikan) · Academia de San Fernando (pagpinta at eskultura) · Umibig siya dito kay Consuelo na anak ni Don Pablo Ortega y Rey na nagging alkalde ng Maynila · Isinulat ang “A La Senorita C. O. y R.” o “Kay Binibining C. O. at R.” · Natamo niya ang lisensya sa panggagamot sa Pamantasang Sentral ng Madrid (Hunyo 21, 1884) · Nagwagi si Rizal sa isang paligsahan sa wikang Griyego (Hunyo 25, 1884) · Pumunta siya sa handaan handog kina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo para magbigay ng isang talumpati. Pagkatapos ng handaan ay hinanda ni Rizal ang kanyang pagsulat ng unang kabanata ng Noli Me Tangere. · Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa Pamantasang Sentral ng Madrid sa Pilosopiya, Medisina at Panitikan ngunit hindi niya nakuha ang kanyang diploma sa pagkadoktor. Oktubre 1885- Paris · Naging katulong at mag-aaral sa klinika ni Dr. Loius de Wicker na isang Pranses at magaling na manggagamot sa mata Pebrero 3, 1886- Heidelberg (lungsod ng mga mag-aaral at ng industriya) · Pamantasan ng Heidelberg · Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonsky, taga- Poland at isa ring doktor sa mata · Nag-aral din kay Dr. Otto Becker, isang Aleman na tanyag din sa paggamot ng mga karamdaman sa mata Oktubre 29, 1886- Berlin · Naging katulong sa klinika ni Dr. R. Schulzer, isang Alemang manggagamot sa mata · Nag-aral dito tungkol sa panggagamot ng mga karamdaman sa mata, agham at wika · Nakisalamuha sa mga siyentipiko at iskolar na mga Aleman · Tinapos niya dito ang Noli Me Tangere Mayo 13, 1887- Austriya Pebrero 8, 1888- Hong Kong · Natuwa sa mga sa panonoos ng mga palabas-dulaan ng mga Intsik Pebrero 22- 1888- Hapon · Nalaman ang kulutura ng mga Hapon lalo na ang wika ng mga ito · Umibig kay O Sei Keio Abril 28, 1888- San Francisco Mayo 6, 1888- Oakland Mayo 24, 1888- Liverpool Mayo 25, 1888- Londres Inanyayahan ni Dr. Rost na sumulat sa Trubner’s Record Nag-aral tungkol sa kasayasayan ng Pilipinas lalo na ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino Setyembre 1888- Paris Hinanap ang Bibliothique Nationale Disyembre 11, 1888- Espanya Kinamusta ang mga kababayan Disyembre 23, 1888- Londres Naakit kay Gertrude, anak ng may-ari ng kanyang inuupahang bahay Nililok ang tatlong ulo ng magkakapatid na Beckett Marso 1889- Paris Nagsasaliksik pa rin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas Nag-iskrima sa isang himnasyo Nagplano na magtayo ng eskwelahan para sa mga lalaking Pilipino