👤

Sumulat ng talata kung paano nabago ang pamumuhay paano tinanggap ng mga Filipino ang mga patakarang pinairal ng mga Kastila.

Kung nabuhay ka ng panahong iyon paano mo iyon haharapin?



Pa-Help po!:)​


Sagot :

isa sa mga patakarang ipinatupad ng mga kastila sa ating bansa noong tayo ay kolonya pa ng espanya ay ang polo y servicios kung saan pilit na pinagtatrabaho ang mga kalalakihan. Tanging ang mga nakatapos lamang sa pag-aaral at ang mga may katungkulan ang ligtas sa sapilitang paggawa na ito. At kung gusto mong makaligtas sa sapilitang paggawa na ito ay kailangan mong magbayad ng multa o falla. Ngunit wala naman laging pera ang mga pilipino kayat walang magagawa ang mga pilipino kundi maglingkod sa mga Espanyol. Marami ding ibat ibang mga patakaran ang pinatupad ng mga espanyol meron namang naging mabuting epekto ang mga patakarang ito ngunit mas marami pa rin ang masamang dulot ng mga patakarang ito. At kung ako ay nabubuhay pa noong panahong iyon ay lakas-loob kong haharapin ang mga patakarang ipinatupad ng mga espanyol sa pilipinas noong tayoy kanila pang kolonya. Kahit ito'y mahirap tatanggapin ko na lamang ito upang hindi ako malagay sa alanganin.

#CarryOnLearning