👤


2. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa buod
(essence) ng lahat ng ating pag-iisip. Anong uri ng intelektwal na birtud ito?
a. Maingat na Paghuhusga (Prudence) c. Sining (Art)
b. Pag-unawa (Understanding)
d. Karunungan (Wisdom)
luna maya maaari siyang magtaglay ng birtud.​


Sagot :

Pag - unawa:

b. Pag - unawa. Ang pag - unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag - iisip. Kung hindi ginagabayan ng pag - unawa ang ating pagsisikap na matuto, walang saysay ang ating isip. Ito ang dahilan kung bakit ibinigay ito sa atin bilang biyaya na taglay natin habang tayo ay unti - unting nagkakaisip. Ang pag - unawa ay kasing kahulugan ng isip. Tinatawag ito ni Santo Tomas de Aquino na Gawi ng Unang Prinsipyo (Habit of First Principles).

Ano ang intelektwal na birtud: https://brainly.ph/question/288532

Ano ang iba't - ibang uri ng intelektwal na birtud: https://brainly.ph/question/1970481

#Let'sStudy