👤

magbigay ng mga istraktura ng pamilihan​

Sagot :

Ang dalawang estruktura ng pamilihan ay ang "Pamilihan na may ganap na kompetisyon" at ang Pamilihang hindi ganap ang kompetisyon kung saan napapaloob ang apat na uri ng pamilihan, ang Monopolyo, monopsonyo, oligopolyo at monopolistic competition.

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa niyang ikonsumo.Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser.Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng konsyumer