Sagot :
Ang awit at korido ay parehas na tulang pakwento o naratibo. Parehas din na kilala bilang tanyag na panitikan noong unang panahon sa Pilipinas. Ilan sa mga nakilalang awit at korido sa ating bansa at sa ating kasaysayan ay ang Ibong Adarna at Florante at Laura.
Ang mga tulang awit at korido ay may mahigpit na pagsusukat at pagtutugma sa bawat linya at saknong. Parehas na hindi basta-basta ang pagsulat ng ganitong klaseng panitikan. Tanging mga matiyaga at malikhain sa pag-iisip ang nakakagawa ng mga awit at korido.
Ang mga tema ng awit at korido ay kalimitang may parehong layunin. Ito ay ang may hiranging tao o bida sa kwento na siyang dapat nagtataglay na kahangahangang pagkatao at kakayahan.
Ang pagkakatulad ng awit at korido ay makikita sa ingat ng sukat, tugma, taludturan at pagpapantig. Ang katangian ng korido at katangian ng awit ay nagkakaiba lamang sa mga bilang ng pantig, espisipikong tinataglay na lakas ng bida sa kwento, at sa bilis o bagal ng kani-kanilang musika o himig.
…
Ang awit at korido ay mga tula.
Ngunit ano nga ba ang tula?
Ang mga TULA ay may mga naratibo't lirikal at maingat ang pagsukat at tugma sa mga ito.
May dalawang uri ng tulang pakwento o naratibo (Narrative):
Una, Epiko o Mahabang Tula - Halimbawa ay ang Biag ni Lam-ang sa Ilocos.
Pangalawa, Ballad o Tulang-Inaawit - Halimbawa ay Leron Leron Sinta
Pangatlo, Awit at Korido - Mga nahirayang kwento gaya ng "Ibong Adarna" at "Florante at Laura"
Tingnan ang iba pang kahulugan ng tula sa link na ito: brainly.ph/question/447250
…
Ano naman ang mga kaibahann ng AWIT AT KORIDO?
AWIT
- Sukat ay tig-labindalawang (12) pantig ang bawat taludtod
- Mabagal kung awitin/tulain
- Inaawit nang mabagal o ang himig ay may kabagalan sa saliw ng gitara o bandurya; "andante" dapat
- Ang ikinaganda nito ay ang mga aral na ipinahihiwatig ng kabuuan ng kwento. Maaaring kakaiba ang paksa ng awit: May bida ay ang magiging bayani, o kaya naman ito ay isang mahabang alamat, o kaya naman ay tungkol sa mandirigma.
- Ang himig ay banayad o andante
- May pagkamakatotohanan ang Awit. Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring nangyayari sa tunay na buhay ng tao o sa tunay na mundong ating kinagagalawan.
- Nagsasaad lagi ng kabayanihan ang awit kahit na ang mga tulang ito ay may pinapaksa ring pagka-romansa.
- Ang Awit ay may mga salaysay o taludturan sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang mga sangkap na kababalaghan o kakaibang kapangyarihan gaya ng mga nangyayari sa korido
Narito ang mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
KORIDO
- Isang uri ng panitikang Pilipino na may o naging impluwensya ng mga Espanyol na sumakop sa atin 300+ na taon
- Binibigkas sa pamamagitan ng pakanta o pahimig na pagpapahayag
- Mabilis ang bigkas at pagkakabasa at binibigkas sa kumpas ng martsang "allegro"
- Sukat ay may walong (8) pantig
- Kalimitang tulang panrelihiyon
- Ang kuwento ay kasaysayan, alamat o kababalaghan
- Ang pakikipagsapalaran naman ng mga tauhan sa korido ay malabong mangyari sa tunay na buhay dahil ang protagonista sa kuwento ay maaaring may kapangyarihang supernatural na hindi naman karaniwang nangyayari sa ating mundo
Narito naman ang mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla