Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng tama ukol sa larong Pinoy at MALI kung hindi. 1. Ang larong syato ay hindi nangangailangan ng mga kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo at pagsalo na nakalilinang o nakapagpapaunlad ng tatag ng kalamnan at power. 2. Ang batuhang bola ay isang larong nangangailangan ng mga kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato, at pagsalo na nakalilinang o nagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng puso (cardiovascular endurance) at power. 3. Ang kickball ay isang uri ng larong striking o fielding games. 4. Ang kagamitan sa larong tumbang preso ay lata, tsinelas at yeso o chalk na pangmarka. 5. Ang larong tumbang preso ay halimbawa ng larong striking o field games.