👤


Gawain 4: Basahin ang bawat pangungusap. underline ang pandiwang ginamit sa pangungusap.
Isulat sa patlang ang P kung ang pandiwang ginamit ay PALIPAT at isulat ang K kung ang
pandiwang ginamit ay KATAWANIN.
1. Ang karangalang natanggap ni Maria ay ibinahagi niya kay Martha.
2. Hinahangaan ng tao ang magandang relasyon ng magkaibigan.
3. Ibinigay kay Martha ang nasabing kahilingan.
4. Kumidlat kanina!
5. Masayang tinanggap ng magkaibigan ang tagumpay ng bawat isa.
6. Nag-iyakan ang magkaibigan.
7. Nagmamadali siyang tumulong sa kaibigang nangangailangan.
8. Nahuli siya nang dating.
9. Tinanggap ni Maria ang parangal na iginawad sa kanya.
10. Umaaraw na!​