Sagot :
Answer:
Ang taguan o tagu-taguan ay isang sikat na larong pambata kung saan nilalaro ng dalawa o higit pa na manlalaro na nagtatago sa paligid upang hanapin ng isa o higit pa na taya. Nagsisimula ang laro kapag may naitakda na taya at ang taya ay pipikit at bibilang hanggang tatlo o kahit anumang bilang habang magtatago naman ang mga hindi taya. Pagkatapos bumilang ang taya, sasabihan niya na handa na siyang maghanap at susubukang hanapin ang mga nakatagong manlalaro.