Sagot :
Answer:
Bulaklak, liham, at harana – ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw. Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnan ng ating mga magulang at nakikita nila sa paligid noong sila ay bata pa. O baka nga ang ating mga magulang ay nakaranas mismo ng ganyang paraan ng panliligaw noon. Samatlala ngayon hindi na kailangan ng ligaw tulad ng harana sapagkat tayo ay nangliligaw na gamit ang social media. Wala nang kumakanta sa harap ng bahay sapagkat pinipilit na lang kunin ang isang babae. Noong panahon kailangan pinaghihirapan para makuha ang isang babae sapagkat ngayon mga konting ngiti o bulaklak makukuha mo na ang isang babae. Noong panahon magulang muna ang liligawan sapagkat ngayon hindi na makukuha mo na agad ang babae kapag sila ang niligawan. Noong panahon kailangan mong pasayahin ang mga magulang ng nililigawan samantala ngayon wala ng pakealam ang kanilang magulang. Ang panliligaw noon ay kailangan mong ipakita ang iyong pagmamahal sa magulang ng nililigawan samantala ngayon hindi na ito kailangan basta mahal mo ang tao dapat di mo iiwan. Lahat ay nagbago pagdating sa ligawan lalo na ngayon pandemya.
Explanation:
Sana nakatulong