Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ng wastong salita ang mga patlang. Piliin ang titik ng sagot sa kahon. A. Konsyumer B. Impormasyong Pangkalusugan C. Kalusugan ng Mamimili D. Produktong Pangkalusugan E. Serbisyong Pangkalusugan 1. Taong bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo. 2. Produkto na ginawa upang mapanatili ang kalusugan at mapagaling ang mga sakit. 3. Serbisyong na ginagawa o inaalok upang mapabuti ang ating buhay at kalusugan. 4. Desisyon na ginagawa tungkol sa pagbili ng produkto at paggamit ng impormasyong pangka- lusugan at serbisyo. 5. Datos at mga impormasyon na nakukuha mula sa media, mga doctor, health workers, at mga ahensyang pangkalusugan.