II. Tama o Mali: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at Mali kung hindi. 1. Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuoan ng Athens 2. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga kawal, at ang mga alipin. 3. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. 4. Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Bulkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. 5. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. 6. Si Clovis ay kinoronahang emperador ng Holy Roman Empire noong 800 CE 7. Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahatihati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdun. 8. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, French, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval. 9. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. 10. Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga hari o namamahala ng bayan. IT