Sagot :
Answer:
Palaging, hindi, madalas, kalaunan, ngayon, madalas, paminsan-minsan, minsan, magpakailanman, bihira, bago, Linggo, Lunes, 10 AM, 12 PM, atbp. Ay karaniwang mga pang-abay ng oras / dalas.
Halimbawa: Medyo huli na akong pumasok sa paaralan kahapon.
Explanation:
Answer:
MGA URI NG PANG-ABAY
1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.
Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.
2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.
3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.
4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng
Explanation:
Hope it help