1. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin? a. kagalakan b. kaligayahan c. kaluwalhatian d. kasiyahan
2. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin. a. damot b. ganid c. imbot d. sakim
3. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula. a. kariktan b. simbolismo c. tayutay d. tugma
4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga salitang may malalalim o hindi lantad na kahulugan? a. Eupemistikong pahayag b. idyomatikong pahayag c. malarawang pahayag d. matalinghagang pahayag
5. "Kapag ika'y itinanghal na gererong marangal, ako'y malulunod sa luha sa paggunita." anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na nabanggit? a. pag-asam b. pagkamuhi c. pagmamahal d. pagmamalasakit