Sagot :
Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang “Hermano Pule”. Siya ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung saan niya natamo ang pangunahing pag- aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na hermano sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng Confradia de San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa karapatang panlipunan at pananampalataya.