Sagot :
Mangyan
Ang mga Mangyan ay nakatira sa mga liblib na pook ng Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim ang buhok, maamong mata, at may katamtaman ang tangkad.
Ifugao
Ang pangkat etniko na ito ay naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Ang salitang Ifugao ay galing sa salitang ipugo na ibig sabihi ay “mula sa mga burol”.
Kalinga
Sila ay naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Sila ay mahilig sa makukulay na pananamit at pampaganda.
Itawis
Matatagpuan ang pangkat etniko sa timog kanlurang bahagi ng Cagayan. Galing sa salitang I at Tawid ang pangalan nila na ibig sabihin ay “mga tao sa kabila ng ilog”.
Kankana-ey
Sila ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat na naninirahan sa Mountain Province ng hilagang Luzon.
Ilongot
Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “mula sa gubat”. Matatagpuan sila sa mga kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya.
Ibaloy
Matatagpuan sila sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba na nasa timog silangang bahagi ng Benguet.
Isneg
Kilala rin bilang Apayao o Ina-gang, matatagpuan sila sa Kalinga at Apayao. Sila ay karaniwang nasa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog.
Ivatan
Ang pangkat etniko na ito ay mga mamamayan ng Batanes. Sila ay relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan.